Monday, October 27, 2008

Ang Marikit na Perlas...

Naglalakad ako sa dalampasigan isang hapon. Ang ganda ng paglubog ng araw. Kulay orange. Una, sa gilid lang ako naglalakad. Pero 'di kalaunan, pinasya kong lumangoy patungo sa ilalim ng dagat.

Maganda ang dagat. Maraming isda at korales. Ang gandang pagmasdan ng dagat. Ngunit may isang bagay na lalong nakatawag sa akin ng pansin: isang perlas.

Kay ganda ng perlas na iyon. Malaki siya at makinang. Anupa't pinasasaya niya ako. Habang tinitignan ko siya, parang nawala ang kirot sa puso po. Pinapangiti niya ako; pinapangit niya ang puso ko. Unti-unti akong lumapit sa kaniya at hinaplos siya.

Habang natutuwa ako sa perlas, nakaramdam ako ng masama. HIndi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako. Parang hindi ako makahinga. Tama, nasa ilalim ako ng dagat. Pero may iba pang dahilan sa kaba ko.

Lumayo ako ng bahagya sa perlas para makita ang kaniyang kabuuan. Pero nagulat ako sa aking nakita: isang napakalaking talaba. Isang talaba na nagmamay-ari sa perlas. Nanghinayang ako. Hindi ko kayang kunin ang perlas. Ang talaba na ang nagmamay-ari sa kaniya. Bigla nalang sinara ng talaba ang kaniyang higanteng bibig. Dahil doon, nagkaroon ng napakalakas na alon. Inanod ako. Hindi ako makahinga. Nalulunod ako. Mukhang hindi na ako makakalapit sa perlas na iyon kahit kailan. Naging madilim ang lahat ng nakikita ko.

...

Dinilat ko ang aking mga mata at ako'y napaubo. Isang halik. Isang halik ang gumising sa akin. Ngunit, sino siya? Pilit akong bumangon pero wala akong nakita. Lumupasay na lang ulit ako sa buhangin. Umiiyak.

5 comments: