Thursday, October 9, 2008

Nagmo-moment Na Naman Ako!

Not the MGF, dear.

T_T After one straight week of exams plus my dad's arrival from Europe, pagod na naman ako.

Physically? Yes, ngayon lang uli ako physically napagod. Matulog ka ba naman ng alas-2 ng madaling-araw kaka-review ng Linear Algebra dahil sa palpak na meeting sa Korean 10? Buti na lang at maganda yung presentation namin. Nagmukha akong baklang chickboy. ToT

Dapat gagawa ako ng matinong blog entry para dito pero iko-compress ko nalang sa yet-walang-kwentang blog entry na ito.



Friday: 3rd exam sa Math 150.1 (Math Stat). Badtrip, nakalimutan ko kung pano mag-conditional. Epekto ng sobrang abstract ka nang mag-isip.

Saturday: 3rd exam sa Math 122 (Differential Eqtns). Maliban kay sensei, pangit na lahat. Merong questions dun na related, eh. Question 1, subquestions a, b, c, d. Na-realize ko, mali ako sa c. So ulit sa c at d. Tapos na-realize ko uli na mali naman yung b. So ulit lahat. Sad.

Sunday: Wala naman akong Econ class so no exam! Dito dumating ang dad ko. ^_^ 7pm, nasa Trinoma na ako. Kumain muna sa Taco Bell. Nakalagay sa receipt ko, DENJIE. Walang E ung nickname ko. T_T Tapos dessert sa Dairy Queen. Nakalagay sa receipt ko, DEJIE. Again, walang E, tapos nakalimutan pa yung N. Then sakay ng MRT, nakakita ng cute korean na mukhang doll, diretso sa Taft. Then punta ng airport. Trying hard mag-review ng Analysis pero ang pangit ng ambiance. Tapos, 2 hours bago nakalabas ung dad ko upon arrival. Natulog ng 2.

Monday: Exam sa Physics 10 at sa Math 123.1 (Analysis). Yung physics, pamatay ung essays. Muntik ko nang makalimutan yung mga dapat na sagot. Buti na lang, maayos ang daloy ng exam sa Math 123.1. Maliban sa proving sa Uniform Convergence. Si Cauchy kasi. >o<

Tuesday: Exam sa Korean saka return ng results sa Math 122. Ang bobo ko, perfect na sana, may nakalimutan lang akong baguhin sa final answer ng 1.d. Pesteng 1.b kasi yan. Yung sa Korean, ayos naman. Unless magkaroon ng magic, uno na ako dun. lml

Wednesday: Finals ng Math 150.1. Kinabahan ako for nothing. Dapat yung panahon na nag-review ako for Math 150.1 ay ni-review ko nalang ng Linear Algebra. Perfect sa Finals, pero di na akong umaasa maka line of uno ako, dos na ang boundary ko. (Tama ba yun, line of uno?)

Thursday (Kanina): ANG PINAKANAKAKAINIS NA ARAW. Sobra. Medyo may pagkapeste yung praktis sa Korean (for presentation) pero it went well hanggang sa actual perf. Yun nga lang, hindi na ako nakapag-review ng Math 110.2 (Linear Algebra) dahil dun. Failure. Hingal na hingal ako pagdating ng room, then dumating na si sir. Wala akong masagot nung una. Kinakabahan ako. Pero nakasagot ako ng 3 out of 5. Enough para makapasa. Pero sayang ung 1.25/1.5 standing ko doon.



Tapos ang lungkot ko na naman. May pagka-attention seeker kasi ako, eh. Gusto ko yung mga taong gusto ko, pinapansin ako. Kaso hindi naman pwede yun, di ba, no matter how close/open yung tao sa iyo. So ayun, emotionally battered na naman ako.

Tapos isang tao lang uli ang magbabasa ng blog entry kong ito. Sad. Paano ako makakapagparinig niyan?

6 comments:

  1. aw............ T_T minsan nararamdaman ko din yan

    ReplyDelete
  2. pero kung wala tayong ginagawa, wala talagang mangyayari. pero kung may certail level of closeness na kayo pero minsan di ka parin nia pinapansin... un na un.

    ReplyDelete
  3. urrgh, aabot ka ng line of uno, noh...duh, kinompyut na natin yan

    ReplyDelete