1. Binigyan kami ng isang lolo-tito ko ng hini isa kung hindi dalawang... TUTA! :)
December 24. Dumating siya kasama ang tito ko para bigyan kami ng tuta. Medyo nainis ang mommy ko dahil marami kaming ginagawa para sa Pasko. Pero dahil natuwa ang anak niyang ito *ehem* natuwa na rin siya. Balak ko sanang pangalanan na Ken ang tuta dahil Crystal ang pangalan ng aso namin (kung hindi mo na-gets ang logic, hindi ka nanuod ng Season 17 ng Survivor). Bibigyan pa daw kami ng isa pang tuta dahil ang isa kong kapatid ay
(pictures at some time)
2. Akala ko malungkot ang magiging Pasko ko pero masaya naman. Hindi ko man nalahad, eh... Hindi ko na ilalahad. :P
Basta masaya. Kitang-kita naman.
3. Ilang araw pagkatapos ng Pasko, nagkasakit kami ng kapatid ko. :(
Ang tinuturong salarin at ang background story:
Nasa SM Pampanga sila Ma at si nakakabatang kuya (younger brother... oo na, barok na akong mag-Tagalog) para gawan ang nahuli ng salamin. Kaya kami ng isa ko pang kapatid na babae ang natira. Ayun, nag-init siya ng sauce ng spaghetti at hindi ininit ang spaghettini na ref-cold pa.
Ang resulta at ang takbo ng kwento:
Nagkasakit kami sa ulo kinabukasan. Inaapoy kami ng lagnat. Ako medyo ayos pa pero yung kapatid ko, dinala sa ospital ng madaling-araw. Ayun, nalaman na ang sakit niya: inatake daw siya ng amoeba na walang sawa sa pag-reproduce sa bituka niya. Kaya ako, isinunod sa ospital pero hindi ako na-confine (sidenote: cute ang duktor na
Ang moral lesson:
Nag-rant ng todo sa amin si mommy. Di daw kami sumusunod sa bilin e para sa ikabubuti naman namin iyon. Alam niyo ba, may sakit si mommy ko (walang tigil na pagbuhos ng regla at may probability na ma-raspa siya. please pray for her), pero nauna pang i-confine sa ospital ang sister ko. Nasabi ni mommy yung fact na yun. Plus, sinabi niya na kung ano man ang mangyari sa amin, wala nang gastus-gastos sa kaniya. Kahit saan, huhugot siya para lang maging maayos kami. Doon ko nalaman na after 18 years of my existence, hindi ko pa pala tuluyang kilala si mommy. Nakakalungkot lang na isipin.
Ang aftermath:
Nung magaling na ako, naging hyper-active naman ako. Ewan ko ba, nagiging ganun ako pag magaling na. Pero pinipigilan ako ni mommy na gumawa ng kung anu-ano at baka raw mabinat ako. Yung kapatid ko, medyo malata pa rin. Sana maging maayos na rin siya.
Happy New Year sa inyong lahat! :)
Bumabati,
Denji
magaling ka na! yehey!
ReplyDeletehappy new year! God bless sa iyo at sa family mo!
XD..buti magaling ka na..hehehe
ReplyDeleteHappy new year edj! =P
lol, marteeeeeeeen~! happy new year! 8D
ReplyDelete