[A/N: This entry is written in Filipino because the author is "sick" and miserable. Bear with the author]
Ilang buwan na ba simula nang makilala kita? 'Di na katagalan. Ikaw ang nagtatapos ng mga araw ko. Ikaw at ang mga ngiti mo. Ikaw at ang amoy mo. 'Di ko alam kung pang-ilan ka na. Pang-(x)? Siguro nga. Maraming beses na akong umibig. At nasisiraan ako ng ulo kapag umiibig ako. Halata naman sa mga pangungusap ko, hindi ba?
Alam ko naman na hindi ka perpekto. Marami kang kapintasan. Naiinis na yata ang buong mundo sa 'yo. Pero ako? Nandito lang ako, nagmamasid sa 'yo. Tinitignan kang ngumiti. Gusto kitang kaibiganin. Pero mukhang ayaw mo.
Pero ano itong bumabagabag sa akin? Kapag may iba kang kasama, selos ba ang nararamdaman ko? Hindi naman inggit, wala akong dapat kainggitan. Nababagabag ako. Gusto kitang kaibiganin. Pero ayaw mo.
Anong meron siya na wala ako? [...] Dahil ba magaspang ako kumilos? Dahil hindi ako gaanong katalino? Dahil ba... kakaiba ako? Dahil ba sa hitsura ko? Imposible. Hindi kailangang "may hitsura" ang isang kaibigan.
Pero bakit? Naghuhumiyaw ang puso ko. Umiiyak. Ayaw mo akong kaibiganin. May mali ba ako? Pasensya kung ganoon.
Iyang kaibigan mo na kasama mo, iyang "kaibigan" na pinagseselosan ko, masaya ba siyang kasama? Tuwing gabi ba, magkatabi kayong matulog? Magkaakap sa dilim? Paggising ba niya, hinahalikan mo ba siya? Sabay ba kayo sa lahat ng bagay.
Wala na. Nasiraan na ako ng ulo. Tuwing hihiga ako sa kama ko, kayo ang naiisip mo. Ikaw, at ang ngiti mo na tila nakalaan lamang para sa kaniya. Ayaw na kita makita, pero hindi kita maiwasan. Hindi makukumpleto ko ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Ang sama mo. Maramot ka. Umalis ka sa puso ko. Nyemas.
Wala na akong magagawa kung kayo na ang itinadhana para sa isa't isa. Siguro kailangan ko nang hanapin si ika-(x+1) ko, sa lalong madaling panahon. Para makalimutan na kita.
Kaya heto ako ngayon at gumagawa nang hamon para sa sarili ko. Kailangan kong pagbutihan ang sarili ko na higit sa inyo. Ibubuhos ko ang panahon ko sa pag-aaral. Hindi ako nasa unibersidad na ito para pumasa lamang sa akademiya, kung hindi ay sa lahat na rin ng aspeto ng buhay. Kailangan kong tatagan ang sarili ko.
Hindi man kita makalimutan agad, pipilitin ko namang gawing abala ang sarili ko. Mas maraming bagay na dapat isipin bukod sa iyo, sa ngiti mo, at sa halimuyak mo.
Pero... Hindi rin, e. Ikaw ang lakas ko. Ikaw ang buhay ko. Isusuko na lang ba kita? Oo, marahil, siguro nga. Mas gusto mo sigurong kasama siya, o hindi kaya si Park Ron Do* ang gusto mong makasama? Haha, nakakatawa. Sira-ulo na nga ako. Umaasa pa na maging kaibigan mo ako, e ikaw nga itong lumalayo sa akin. Ayaw mo sa akin dahil "emo" ako, pero gusto mo si Ron Do dahil "emo" siya? Kalokohan! Ikaw ang sira ulo!
Sana ako ang kasama mo sa pagtulog. Sana ako itong niyayakap mo tuwing gabi. Sana ikaw itong nakikita ko paggising ko sa umaga. Pero hindi. Hanggang panaginip lang kita. Doon lang kita nakakasama.
Heto ako. Nalulungkot. Pagbigyan mo na ako. Mahalin mo na silang lahat, kaibiganin mo lang ako. Pakinggan mo itong puso kong sawi.
Mahal kita. Tandaan mo iyan...
...
...
Maghihintay ako, kahit imposibleng mahalin mo rin ako...
Denji...
__________
* Hindi niya tunay na pangalan.
[Opening Music BG: Do I Ever Cross Your Mind? by Ramiele Malubay]

[Music BG: I Don't Wanna Cry by Jason Castro]
Pero bakit? Naghuhumiyaw ang puso ko. Umiiyak. Ayaw mo akong kaibiganin. May mali ba ako? Pasensya kung ganoon.
Iyang kaibigan mo na kasama mo, iyang "kaibigan" na pinagseselosan ko, masaya ba siyang kasama? Tuwing gabi ba, magkatabi kayong matulog? Magkaakap sa dilim? Paggising ba niya, hinahalikan mo ba siya? Sabay ba kayo sa lahat ng bagay.
Wala na. Nasiraan na ako ng ulo. Tuwing hihiga ako sa kama ko, kayo ang naiisip mo. Ikaw, at ang ngiti mo na tila nakalaan lamang para sa kaniya. Ayaw na kita makita, pero hindi kita maiwasan. Hindi makukumpleto ko ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Ang sama mo. Maramot ka. Umalis ka sa puso ko. Nyemas.
[Music BG: You've Got to Hide Your Love Away by Kristy Lee Cook]
Wala na akong magagawa kung kayo na ang itinadhana para sa isa't isa. Siguro kailangan ko nang hanapin si ika-(x+1) ko, sa lalong madaling panahon. Para makalimutan na kita.
Kaya heto ako ngayon at gumagawa nang hamon para sa sarili ko. Kailangan kong pagbutihan ang sarili ko na higit sa inyo. Ibubuhos ko ang panahon ko sa pag-aaral. Hindi ako nasa unibersidad na ito para pumasa lamang sa akademiya, kung hindi ay sa lahat na rin ng aspeto ng buhay. Kailangan kong tatagan ang sarili ko.
Hindi man kita makalimutan agad, pipilitin ko namang gawing abala ang sarili ko. Mas maraming bagay na dapat isipin bukod sa iyo, sa ngiti mo, at sa halimuyak mo.
[Music BG: Alone by Ramiele Malubay]
Pero... Hindi rin, e. Ikaw ang lakas ko. Ikaw ang buhay ko. Isusuko na lang ba kita? Oo, marahil, siguro nga. Mas gusto mo sigurong kasama siya, o hindi kaya si Park Ron Do* ang gusto mong makasama? Haha, nakakatawa. Sira-ulo na nga ako. Umaasa pa na maging kaibigan mo ako, e ikaw nga itong lumalayo sa akin. Ayaw mo sa akin dahil "emo" ako, pero gusto mo si Ron Do dahil "emo" siya? Kalokohan! Ikaw ang sira ulo!
Sana ako ang kasama mo sa pagtulog. Sana ako itong niyayakap mo tuwing gabi. Sana ikaw itong nakikita ko paggising ko sa umaga. Pero hindi. Hanggang panaginip lang kita. Doon lang kita nakakasama.
Heto ako. Nalulungkot. Pagbigyan mo na ako. Mahalin mo na silang lahat, kaibiganin mo lang ako. Pakinggan mo itong puso kong sawi.
[Ending Music BG: You Must Love Me by Brooke White]
Mahal kita. Tandaan mo iyan...
...
...
Maghihintay ako, kahit imposibleng mahalin mo rin ako...
Denji...
__________
* Hindi niya tunay na pangalan.
Forever... You will always be the only one...
ReplyDelete~Kristy Lee Cook.
rakenrol! :D *parang di appropriate comment ko. sori naman*
ReplyDeleteit's either u want to cheer me up or it's wa~y inappropriate. 8D
ReplyDelete"or" naman. ikaw na bahala. waha. :>
ReplyDeletebakit, gusto mo ng " and" o kaya "iff"?
ReplyDeleteactually, it's both. aha!
ReplyDelete