Saturday, September 13, 2008

Read This [If You Want]: Gaguhan (Feeling of Void)

IKAW, MALAWAK BA ANG UTAK MO?

Nakakainis na... Alam mo yung ganung feeling? Yung mag-isa ka na lang? Yung inaakala mong mga kaibigan mo, mga kaaway mo na pala? Nakakaasar, di ba? Oo, naasar sila sa akin, pero hindi nila sinasabi yung mga kapintasan ko ng harapan. Ngayon, panahon na nang gaguhan. Ako nalang ang mag-isa sa mundo ko ngayon. I against the world, ika nga.

Oo, tama, depressed na ako. Emo pa kung iyon ang gusto mong tawag. Pero I'm sick. Nakakainis iyong pinag-iisipan ka ng masama e ung ideya na iyon ay ni minsan hindi pumasok sa kukote ko. Nakakainis din yung mga stalker. Oo, ganun na ako ka-sikat. Madalas sisilip-silip tapos gagawan ka na ng chismis that is too farfetched.

Mailap pala ang mundo. Pag pinag-iisipan ba ng masama ang isang bakla/tomboy/bi, sexism ba ang tawag doon? Ewan ko, wala namang gender-ism.

Pinilit kong maging bukas ang aking isipan, para mas makita ko ang kagandahan ng mundo. Kaso, may mga gago na pilit ikikitid ang mga pananaw mo sa buhay. Bwisit, oo, gago nga, ayon sa isang Friendster account.

Inaapoy ako ng lagnat ngayon. Buti na lang nilalagnat ako, para hindi mapansin ng mga tao kung gaano ba talaga kasama ang pakiramdam ko. Gusto kong makipag-usap sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko once and for all.

At since wala na yata akong kaibigan na natitira, applications will be accepted. Walk-ins are allowed. Hindi nagsasara, at hindi pagsasarhan.

Walang kwenta itong post ko na ito, di ba? Puro kagaguhan lang. Oo na, insensitive ako.
Pero sabihin niyo yun sa harap ko at magbigay kayo ng instances para maayos ko ang sarili ko.

Kaya siguro napapariwara ang tao, no?

Ewan ko ba kung bakit nagbabago ang mga tao ngayon. Ginagago ka ng idol mo, imagine?

Ayokong magpariwara, dahil matino akong tao. Sariwa, birhen. Bastos man ang utak pero hindi sa plano at sa gawa. Oo, men masturbate everyday. Men wanted to have sex. Pero hindi lahat ng tao, hayok. Hindi lahat ng bakla/tomboy/bi, sex lang ang gusto sa buhay.

Ano kaya ang gagawin ko sa Monday? Syempre, papasok. Ay, baka isipin mo, gumagawa ako ng plano, baka iba na naman ang isipin mo. At wag kang feeling, marami kayong kausap ko. FOR CONTACTS ang post ko, hindi for stalkers.

Ay, sinasabihan kitang stalker? Hindi! Umaandar lang ang insensitivity ko, kagaguhan ko, at yung kakulangan ko sa grammar.

Bukas na bukas din, hindi na po ako magiging insensitive. Bukas na bukas din, hindi ako mangte-take advantage kahit di ko pa ginagawa iyon.

At magmamahal ako ng taong karapat-dapat mahalin. Magmamahal lang ako kapag may nagmamahal sa akin. Oo, mahal ko ang magulang ko at ang mga kapatid ko dahil mahal nila ako. Kung mahal mo ako, mahal din kita.

Pero, pagpasensiyahan mo na ako, huh? Wala na yata kasi akong kaibigan na pwedeng malapitan. Buti ka pa, Multiply, maasahan, kahit nabobosohan ka.

SORRY SA LAHAT NG TAONG NAKABANGGA KO, KUNG AYAW NIYO NA AKONG MAGING KAIBIGAN, FINE, DI KO KAYO PIPILITIN. DESISYON NIYO YAN. Dahil sa bokabularyo ko, ang friendship ay isa nang equivalence relation.

SORRY RIN SA IYO, KAHIT HINDI KA DAPAT MADAMAY DITO. KAILANGAN KO LANG NG OUTPUT. Itong post na ito ay para iparating sa Palasyo ng Malakanyang na ako ay may emosyon.

IKAW, MALAWAK BA ANG UTAK MO?

P.S., Oo, umiinom ako, pero hindi ako naglalasing. Mabuti kang kaibigan kapag nagawa mo akong lasingin sa inuman. Saka vacuum cleaner ako ng pulutan.

At ipakalat sa mundo na maging open-minded tayong lahat. Ito na ang huling post ko na magpapakita ng aking close-mindedness.

Ulit po, patawarin ang grammar.

Salamat sa pagbabasa ng declamation.

I thank you.

Signed,

The Knight of Wind,

Ang asawa ni Tracy Strauss,

Ang fan ni Iwa at Jewel,

Ang mukahang gago pero hindi naman,

Your friendly kapit-hood,

Ang nagmahal pero inaway at nilait,

Ang Kabayo ni Kristy Lee Cook,

Ang sinaksak sa likod,

Ang zombie,

Sila Naruto at Gaara,

Ang pang-(n+1)th na miyembro ng Super Junior,

Ang nasisiraan ng bait pero pinipilit na magpakatino,

Ang tatanggap ng mga aplikante sa posisyon na "Best Friend"

Ang coolest teen tambayan,

Ang 5th basic taste,

Aerol Celeste.

2 comments:

  1. easy ka lang edj.

    just to clarify...

    tracy strauss = niki sanders? hahaha slow ba. :))

    ReplyDelete
  2. oo, aus na ako nung napost ko na sya...

    saka di pa sila ganap na equal... abangan in the coming weeks!

    ReplyDelete