Monday, September 29, 2008

Yet Another Tagalog Post: Parang TANGA

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Para akong tanga na nakatingin sa harapan ng laptop kong si Tracy.
Yep, dahil sa boredom ko, may pangalan na ang laptop ko. Siya si Tracy, at "cool" siya.

Para akong tanga. Naghahantay sa wala. Nababaliw na naman ako. Hindi, hindi ito maari. Tumataas na naman ang emotional dependence ko. Pinipigilan ko na ang sarili ko.

Ano ang emotional dependence, tanong mo? Ang emotional dependence, sa bokabularyo ko, ay ang aking emosyon na sa loob ng 3-4 na taon ay inaakala kong romantic love.

Para akong tanga. Naghihintay. Hindi ko alam kung bakit ako naghihintay. Pinipigilan ko ang sarili kong maghintay, dahil mali. Dahil marami pa akong dapat gawin. Marami pa akong dapat asikasuhin.

Dapat pa akong magreview sa Sipnayan, pero hindi, e. Nasa harap ako ni Tracy, naghihintay, parang tanga.

Dapat ko bang tigilan, o hindi. Hindi ko na alam ang tamang sagot. Marahil, tanga nga ako.

No comments:

Post a Comment