Monday, December 22, 2008

INDECENT PROPOSAL SA BIBINGKAHAN

Malamig ang gabi. Kasama ko ang pinsan ko na naglalakad sa madilim na McArthur Highway. Pupunta kami ng simbahan dahil meron doon nagluluto ng bibingka at puto bumbong. Nagpa-reserve na ang lola ko at kami ang kukuha. Nadatnan niya kasi ako sa labas ng bahay nila.

Nang makarating na kami sa bibingkahan, napalingon ako sa may simbahan at may nakita akong lalake, teen-ager ata. Habang hinihintay namin ang niluluto pang bibingka (marami kasi ang um-order), biglang naglakad palapit sa akin ang binata, pero hanggang sa agwat lang na tatlong metro.

Nung una, hindi ko lang siya pinansin dahil akala ko tambay siya. Pero noong tumingin ako sa kaniya, nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti siya at kinindatan ako. Inalis ko ang paningin ko sa kaniya.

Dahil sa abo ng uling na galing sa pinaglulutuan ng bibingka, napuwing ako at muling napatingin sa kaniya. Hinawakan niya ang kaniyang sinturon. Binaba niya ang kamay niya. Nakita ko na may hinuhulma ang kamay niya. Nginitian niya akong muli, pinasulyap niya ang kaniyang dila, at muli akong kinindatan.

Buti nalang natapos na ang bibingka, at buti nalang kasama ko ang pinsan ko. Naglakad na kami pauwi. Hindi ko na siya nilingon.

Sabi ko sa sarili ko, "Ang singkit ng mata niya. But no, I won't settle for less."

:P

9 comments: