Sunday, October 12, 2008

Awit ng Sawing Mang-iibig

Pasensya na. Di ko alam kung paano ko ito sasabihin ito sa iyo ng diretsahan. Kaya dito ko nalang idadaan...

May gusto ako sa iyo. Iyon ang na-realize ko.

Sa gabi, hindi ako makatulog. Kasi ikaw ang iniisip ko. Pero ibang tao ang iniisip mo. Gusto kong sabihin na nami-miss kita, pero iba ang nami-miss mo. Sa tuwing magkasama tayo, nakikita kitang sumasaya kaya sumasaya ako, kahit iba ang dahilan ng pagiging masayahin mo, hindi ako.

Hindi ako marunong pumili ng tamang salita, pero sa tingin ko, may pagtatangi ako sa iyo. Ngunit...

Ngunit ayokong ulitin ang pagkakamali ko na ilang beses ko nang nagawa. Hindi pa yata ako nadadala. Gusto kong sabihin sa iyo kung gaano kita kailangan, kung gaano na lang ang kagustuhan ko na pumunta ka sa tabi ko at manatili habambuhay.

Kailangan kita. Kailangan kita sa tabi ko. Masisiraan ako ng bait kapag hindi na kita muling makita. Hindi ko man lang nasabi sa'yo kung gaano kita...

O kung gaano mo ako napapasaya, napapangiti...

Hay, kung madali lang ang buhay... Kung malaya lang ako...

1 comment:

  1. Alam kong hindi mo mababasa 'to... Never mo 'tong mababasa... IDK kung magiging masaya ako or malungkot for that fact.

    ReplyDelete